Lunes, Pebrero 24, 2014

ABS-CBN tops January 2014 TV ratings

Maganda ang pasok ng taong 2014 para sa ABS-CBN dahil unang buwan pa lamang ay pumalo na agad ang average national audience share nito sa 44%, o mas mataas ng 12 puntos sa 32% ng GMA, base sa datos ng Kantar Media.


Mas mapagkakatiwalaan ang datos ng Kantar Media na batay sa 2,609 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa.  Mas marami at eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 1,980 kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area.  Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas, habang umano’y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.

Patuloy ang pamamayagpag ng Kapamilya network sa iba’t ibang pang panig ng bansa gaya na lamang sa Balance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Mega Manila), kung saan nagtala ito ng average audience share na 45% kumpara sa GMA na may 36%. Higit pang inungusan ng ABS-CBN ang kalabang network sa Visayas (58%) at Mindanao (57%) na parehong 35 puntos ang lamang  23% at 22% ng GMA.

Malaking bagay pa rin sa pamamayagpag na ito ang patuloy na pangunguna sa primetime (6PM-12MN) block ng ABS-CBN. Noong Enero, pumalo sa average audience share na 48% ang Kapamilya Network, o mahigit 16 puntos sa 32% ng GMA.

Here are the top 15 regular programs in January 2014:
1 ABS-CBN HONESTO 29.7%
2 ABS-CBN WANSAPANATAYM 28.6%
3 ABS-CBN TV PATROL 27.2%
4 ABS-CBN MAALAALA MO KAYA 26.5%
5 ABS-CBN GOT TO BELIEVE 25.5%

6 ABS-CBN BET ON YOUR BABY 25.4%
7 ABS-CBN ANNALIZA 22.4%
8 ABS-CBN THE LEGAL WIFE 21.5%
9 ABS-CBN HOME SWEETIE HOME 20.2%
10 ABS-CBN RATED K 18.7%
 GMA-7 PEPITO MANALOTO 18.7%
11 GMA-7 KAPUSO MO, JESSICA SOHO 18.6%
12 ABS-CBN BE CAREFUL WITH MY HEART 17.8%
13 ABS-CBN GOIN’ BULILIT 17.2%
14 GMA-7 MAGPAKAILANMAN 16.1%
15 ABS-CBN MARIA MERCEDES 15.9%


NationalTVRatings JANUARY 2014

*TOTAL LUZON
ABS-CBN - 44% ; GMA-7 - 32% ; TV5 - 10%

-Balance Luzon (North, Central, & South Luzon)
ABS-CBN - 45% ; GMA-7 - 36% ; TV5 - 8%

-Metro Manila
ABS-CBN - 36% ; GMA-7 - 32% ; TV5 - 10%

-Mega Manila (Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan, & Rizal)
ABS-CBN - 35% ; GMA-7 - 33% ; TV5 - 12%

*TOTAL VISAYAS
ABS-CBN - 58% ; GMA-7 - 28% ; TV5 - 8%

*TOTAL MINDANAO
ABS-CBN - 57% ; GMA-7 - 22% ; TV5 - 10%

*TOTAL PHILIPPINES
ABS-CBN - 44% ; GMA-7 - 32% ; TV5 - 10%